NEWS


Stay updated with our school's dynamic News section, delivering timely and relevant content straight to your fingertips. Explore stories of student success, staff spotlights, community engagement, and important announcements.



Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023 sa YASCI!

Naging makulay at kapana-panabik ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023 sa YASCI! Matagumpay na nairaos ang pampinid na palatuntunan para sa Buwan ng Wika 2023 na may paksang, “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”

Ang palatuntunan ay dinaluhan ng mga mag-aaral, guro sa bawat departamento, ilang mga magulang at mga kalahok sa bawat patimpalak na idinaos nitong nagdaang linggo, suot ang kanilang mga kasuotang pang-Filipino, ang iba naman ay nasaksihan ang mga kaganapan sa pamamagitan ng MS Teams.

Ang pagtampok ng mga talento at kakayahan ng bawat mag-aaral at paggawad sa mga nagwagi sa iba’t ibang patimpalak ang naging sentro ng palatuntunan. Tunay ngang talentado at may angking-galing ang mga YASCIANS!